We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

switchbitch - TLDR: TRL (prod. MALLWARE)

from Walang Panginoon ang Lupa by Artista ng Rebolusyong Pangkultura

supported by
/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

lyrics

Silang luminang ng lupa, sikmuray di man lang mapunan
Ilang dekadang pagkamkam monopolyo ng i- ilang -
Di nakatapak sa lawak ng lusak pilit ipinapagkait
Mga gahaman tuktok nakinabang 'bang tayoy salat at galit

Samantala / silang nagpapakasasa sa lupa,
'Gang nakaluklok sistema pananatilihing bulok
Kung libong yapak ang tatahak, lindol ay tiyak
Kung yumanig ang sahig, kahit mga tore babagsak

Nakaugat lahat sa lupa
Nakaugat lahat sa lupa
Puno't dulo non, doon ang solusyon
Nakaugat lahat sa lupa

Sa lupa ililibing, ibabaon
Kayong mga di nakatapak sa lupa HA
Kayong mga di nakatapak sa lupa,
Ililibing ibabaon HAHA

Aanhin ang aning di mapupunta sa atin?
Angkatin, dayuhang gamit sa lupa natin tinanim ang binhi
Nabatid ang sanhi ng kagutuman
Walang kasarinlan, iba pinagsisilbihan

Nililinlang mga naglilinang ng lupa
Puro pekeng reporma pumeprenteng makamasa
Bungkalan ang aming paghihiganti,
Babawiin ang lupa mula sa kamay ng mga sakim

Darating
Darating ang
Araw na / di na problema
Kung pano kakain,
Pano pa pagkakasyahin,
Sa araw araw
Pano pa titiisin

Darating
Darating din
Araw na lupa ay babawiin
Lilikhain natin⁰
Para sa atin
Darating, darating

Nakaugat lahat sa lupa
Nakaugat lahat sa lupa
Puno't dulo non, doon ang solusyon
Nakaugat lahat sa lupa

Sa lupa ililibing, ibabaon
Kayong mga di nakatapak sa lupa HA
Kayong mga di nakatapak sa lupa,
Ililibing ibabaon HAHA

Paglaya ang pagbasag ng tanikala sa lupa HA

credits

from Walang Panginoon ang Lupa, released October 21, 2022

license

all rights reserved

tags

about

Artista ng Rebolusyong Pangkultura Philippines

Nagtatampok ng pakikibaka ng mga magsasaka at nagsusulong ng tunay na repormang agraryo, seguridad sa pagkain, at kaunlaran sa kanayunan.

contact / help

Contact Artista ng Rebolusyong Pangkultura

Streaming and
Download help

Report this track or account

Artista ng Rebolusyong Pangkultura recommends:

If you like TLDR: TRL (prod. MALLWARE), you may also like: