We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Tinang

by gallows

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

about

Ang kawalan ng interes ni Marcos Jr na lutasin ang mga longstanding land disputes, katulad sa Hacienda Tinang, sa kanyang unang 100 araw ay isang indikasyon sa kung ano ang magiging itsura ng reporma sa lupa, o kawalan nito, sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Hindi pa rin ganap na natatamnan at napapakinabangan ng mga miyembro ng Malayang Kilusang Samahan ng Magsasaka sa Tinang (MAKISAMA-Tinang) ang kanilang sakahan nang walang anumang hadlang. Hanggang ngayon, hinihintay pa rin ng mga ARBs na maglabas ang DAR ng installation order na pormal na magbibigay sa kanila ng 200 ektaryang lupa.

Sa kabila ng kanyang maraming pahayag at pangako, ipinakita sa unang 100 araw ni Marcos Jr sa Malakanyang na wala siyang inihahain na bago pagdating sa mga usapin tungkol sa agrikultura at repormang agraryo. Sa halip, nananatili siyang nakasandig sa neoliberalismo at sa pagpapatupad ng huwad na reporma sa lupa.

Bukod sa patung-patong na mga problemang kinakaharap ng mga magsasaka dahil sa kahungkagan ng huwad na programang CARP, bulnerable din sila sa pagkalugi dahil sa mga sakuna at bagyo. Aanihin na sana ng mga magsasaka ng Tinang ang kanilang palay nang tamaan ni Karding ang Luzon noong Setyembre 26, na sumira sa 50% ng kanilang mga pananim. At dahil si Villanueva, ang panginoong maylupa na umaangkin sa kanilang lupain, ang nakaupong alkalde, walang natanggap na tulong o suporta ang mga magsasaka ng Tinang mula sa lokal na pamahalaan, gayundin sa Department of Agriculture.

Sa gitna ng lahat ng ito, nananatiling matatag ang mga miyembro ng MAKISAMA-Tinang. Noong Oktubre 6, nagawa nilang anihin ang palay na nakaligtas sa paghagupit ni Karding. Para sa mga magsasaka, ang ani ay hindi lamang makakatugon sa kanilang gutom, ngunit magsisilbi ring simbolo ng kanilang sama-sama at patuloy na pakikibaka para sa lupa, pagkain, at hustisya.

credits

released October 11, 2022
From the album "Walang Panginoon ang Lupa", out October 23 2022

All music performed by gallows
Additional recording by Nica Loria
Recorded by Gian Quiroz
Mixed and mastered by Kuwago Nights Studio

license

all rights reserved

tags

about

Artista ng Rebolusyong Pangkultura Philippines

Nagtatampok ng pakikibaka ng mga magsasaka at nagsusulong ng tunay na repormang agraryo, seguridad sa pagkain, at kaunlaran sa kanayunan.

contact / help

Contact Artista ng Rebolusyong Pangkultura

Streaming and
Download help

Report this track or account

Artista ng Rebolusyong Pangkultura recommends:

If you like Tinang, you may also like: