We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Bubunga ang punla na tinanim ng kasaysayan

by Artista ng Rebolusyong Pangkultura

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

about

Sa pagtatapos ng Oktubre, Buwan ng mga Pesante, pormal na inilulunsad ng Artista ng Rebolusyong Pangkultura (ARPAK) ang Walang Panginoon ang Lupa (WPL). Ang WPL ay isang multi-disiplinaryo't matagalang proyekto na naglalayong itampok ang pakikibaka ng mga magsasaka sa kanayunan upang kumawala sa pyudal na pagkaalipin. Kinikilala ng WPL kung paanong nagsisilbi ang pagkaalipin na ito bilang inspirasyon sa matagalang digmang bayan na kasalukuyang inilulunsad sa kanayunan, kasabay ng lumalalang sosyo-ekonomikong krisis na dulot ng nabubulok na pandaigdigang sistema ng kapitalismo. Hangga't nariyan ang pyudal na pagkaalipin, patuloy na magiging matabang lupa ang kanayunan para sa digmang pesante.

lyrics

"Iuupa pa ba ang lahat, pati buhay namin — sa lupang wala namang
luminang kundi kami. Di ba sapat ang pagod na labis labis? At hihingin pa ang dugong matimbang pa sa pawis."

Daan daang taong galit na inipon ay itutuon sa mga panginoon!

Ang punlang tanim ng kasaysayan ay bubunga!

Mga berdugong halang ang tiyan, pagbabayarin! Mga tutang walang alam kundi kumagat sa nagpakain. Hanggang bukas na mapula ang hangarin: na ang lupang sinamantala maging para naman saatin.

Walang panginoon ang lupa!

credits

released October 28, 2021

license

all rights reserved

tags

about

Artista ng Rebolusyong Pangkultura Philippines

Nagtatampok ng pakikibaka ng mga magsasaka at nagsusulong ng tunay na repormang agraryo, seguridad sa pagkain, at kaunlaran sa kanayunan.

contact / help

Contact Artista ng Rebolusyong Pangkultura

Streaming and
Download help

Report this track or account

Artista ng Rebolusyong Pangkultura recommends:

If you like Artista ng Rebolusyong Pangkultura, you may also like: