We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.
supported by
/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

lyrics

Isang malaking kabalintunaan na sa isang bansa katulad ng Pilipinas, na may malalawak na lupaing agrikultural at masaganang likas na mga yaman, ay mayroong matinding kagutuman. Higit na absurdo na kung sino pa ang primaryang tagasuplay at tagalikha ng pagkain sa ating mga hapag, ay sila ring primaryang biktima ng laganap na kahirapan.

Imbis na suportahan, dagdag na pagpapahirap ang ipinapasan estado sa mga magsasaka. Imbis na tugunan ang kanilang panawagan para sa lupa—na dapat sana’y tutugon sa napakaraming problema ng bansa tulad ng kagutuman—patuloy na isnasantabi, pinapabayaan, at mas pinalalala pa nga ang kanilang kundisyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga neoliberal at maka-dayuang polisiya at patakaran. Isa rin sa mga palagiang target ng pasismo at kontra-insurhensyang polisiya ng rehimen ay ang mga magsasaka na naggigiit lamang kanilang karapatan para sa lupa at kabuhayan.

Sa sama-samang pagkilos kasama ang hanay ng pangunahing pwersang magsasaka, tuluyang maililibing ang naaagnas na sistemang malapyudal. Dahil sa puntod lamang ng nabubulok na sistemang ito uusbong ang pambansang industriya na magiging susi sa tunay na kaunlaran at seguridad sa pagkain.

Kinakailangang itampok ang pakikibaka ng mga magsasaka sa kanayunan upang kumawala sa pyudal na pagkaalipin. Dahil Ang pagkaalipin na ito ang inspirasyon sa matagalang digmang bayan na kasalukuyang inilulunsad sa kanayunan, kasabay ng lumalalang sosyo-ekonomikong krisis na dulot ng nabubulok na pandaigdigang sistema ng kapitalismo. Hangga't nariyan ang pyudal na pagkaalipin, patuloy na magiging matabang lupa ang kanayunan para sa digmang pesante.

credits

from Walang Panginoon ang Lupa, released October 21, 2022

license

all rights reserved

tags

about

Artista ng Rebolusyong Pangkultura Philippines

Nagtatampok ng pakikibaka ng mga magsasaka at nagsusulong ng tunay na repormang agraryo, seguridad sa pagkain, at kaunlaran sa kanayunan.

contact / help

Contact Artista ng Rebolusyong Pangkultura

Streaming and
Download help

Report this track or account

Artista ng Rebolusyong Pangkultura recommends:

If you like Prologo, you may also like: